Lingap-Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo isinagawa sa Rosales, Pangasinan

Eagle News — Maituturing na kasaysayan sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang matagumpay na lingap-pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo na ginanap sa Robert B. Estrella, Sr. Memorial Stadium.

Sakabila ng masamang lagay ng panahon, maagang nagsidatingan ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kasama ang kanilang mga inanyayahan.

Ang mga kaanib na ito ay nagmula pa sa labimpitong bayan na sakop ng distrito ng Pangasinan East.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng libreng serbisyo medikal at dental.

Napuno naman ng kasiyahan ang gymnasium sa pagtatanghal ng ilang kilalang personalidad katulad ni Andrew E.  Victor Wood, Bandang Aegis at iba pa.

Pagkatapos ng mga aktibidad na ito, agad inumpisahan ang pinakatampok na bahagi ng programa, ang pamamahayag ng mga salita ng dios. Na pinangasiwaan ng kapatid na Glicerio B. Santos, Jr.,  ang General Auditor ng INC.

Eagle News Service.

Related Post

This website uses cookies.