SILAY, Negros Occidental (Eagle News) – Hindi naging hadlang sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang masungit na panahon para isagawa ang Lingap-Pamamahayag kahapon, September 21. Isinagawa nila ito sa Hacienda Pula, Barangay E. Lopez, Silay, Negros Occidental na may mahigit isa at kalahating oras na biyahe mula sa centro ng lungsod.
Pinangunahan ni Bro. Roy Corrales, ministro ng ebanghelyo, ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Sa kaniyang pagtuturo ay binigyan diin niya kung sino ang iisang tunay na Diyos na dapat paglingkuran ng tao at ang tamang paraan ng pagliligkod. Pagkatapos ng pagtuturo ay namahagi ng goody bags na naglalaman ng bigas, noodles at canned goods.
Natuwa naman ang mga nakatanggap ng goody bags dahil makatutulong din anila ito sa kanilang pangangailangan. Higit sa lahat ay nagpapasalamat sila dahil kasama sila sa na anyayahan upang makinig ng mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng INC. Para sa kanila ito ay isang malaking biyaya na magagamit nila sa araw-araw na pamumuhay.
Sa kabuuan ay naging matagumpay ang isinagwang Lingap-Pamamahayag sa lungsod ng Silay, Negros Occidental.
Courtesy: Reinhart Naranja, Ryndic Labor, at Viergos Juradas