Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Binondo, dinaluhan ng mga maraming panauhin

(Eagle News) — Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Binondo, Maynila nitong Huwebes, Hulyo 5.

Dagsa ang mga panauhin mula sa iba’t-ibang lugar mula sa pier area gaya ng Parola Compound.

At dahil sa dami ng mga dumalo, napuno ang gusaling sambahan ng Binondo at ang overflow site nito.

Una rito, nagsagawa muna ng entertainment program kung saan nagbigay ito ng kasiyahan sa mga panauhin mula sa ilang artistang nagtanghal.

Pinakatampok naman sa lahat sa isinagawang aktibidad ang pag-aaral sa mga Salita ng Diyos na pinangunahan ng kapatid na Glicerio Santos Jr., ministro ng ebanghelyo.

Ipinakita rin sa mga panauhin ang isang audio visual presentation ukol sa mabilis na paglaganap ng Iglesia Ni Cristo sa buong mundo at ang ginagampanan nito sa komunidad na pagdamay sa mga nangangailangan.

Libu-libong goody bags din na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain ang ibinigay sa mga dumalo bilang tulong sa kanila at bilang hahagi ng kampanya ng Iglesia Ni Cristo na labanan ang kahirapan.

Nakaasiste naman ang mga miyembro ng SCAN International para matiyak ang kaayusan sa harap na rin ng makapal na bilang ng mga dumalo.

Nagpasalamat naman ang mga mamamayan ng Binondo at mga karatig na lugar na naging benepisaryo sa isinagawang paglingap ng Iglesia Ni Cristo.

Anila, malaki ang ginagawang tulong ng Iglesia Ni Cristo na lumingap sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ayon kay kapatid na John Anunciacion, ministro ng ebanghelyo, ginagawa ng Iglesia Ni Cristo ang mga ganitong Lingap Pamamahayag akay ng pagibig sa kapwa di lamang sa pagkakaloob ng materyal na pangangailangan kundi lalong higit sa lahat, ang espiritwal na pangangailangan ng bawat indibidwal.Jerold Tagbo

Related Post

This website uses cookies.