Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, matagumpay na naisagawa

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News). Mahigit 1,500 ang dumalo na mga bisita at mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Lingap-Pamamahayag noong Lunes, August 1, 2016 na ginanap sa Montevista Gymnasium, Montevista, Compostela Valley Province. Ito ay bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng unang taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley

Pasado 2:00 ng hapon ay sinimulan ang Medical Mission para ibahagi sa mga kababayan natin sa nasabing lugar ang libreng Medical Services. Namahagi rin ng libreng gamot para sa mga may sakit. Nagkaroon din ng Entertainment Program para magbigay saya sa mga bisitang dumalo. May mga umawit, sumayaw at iba pang angking talento ng mga kaanib ng INC.

Ang pinakatampok na bahagi ng aktibidad ay ang pagtuturo ng mga Salita ng Panginoong Diyos na Ito ay pinangasiwaan ni Bro. Phil Campos, Sr., District Supervising Minister ng Distrito ng Compostela Valley.

Sa pakikipagkaisa at pakikipagtulungan ng mga kaanib sa Iglesia sa pangunguna ng mga opisyales (maytungkulin) sa bawat lokal ay hayag na hayag ang tagumpay na ibinibigay ng Panginoong Diyos sa nasabing aktibidad. Sa kabuuan naging mapayapa at matiwasay ang nasabing aktibidad.

Courtesy: Joni Romblon – Compostela Valley Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.