Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Dumagat, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo

BULACAN (Eagle News) – Walang sawa ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa pagsasagawa ng Lingap-Pamamahayag sa iba’t ibang lugar. Kamakailan ay nagsagawa ang mga kawani ng Iglesia Ni Cristo Engineering and Construction Department ng Lingap-Pamamahayag sa mga  katutubong Dumagat sa NPC Manalo Hills Village sa Angat Dam.

Una nilang isinagawa ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Pinangunahan ni Bro. Artemio Francisco, ministro ng INC at ni Bro. Felix Bautista, Assistant District Minister ang pagtuturo ng mga aral na sinasampalatayanan ng INC. Pagkatapos ng Pamamahayag ay namahagi naman sila ng good will bags para sa mga naging panauhin.

Bakas sa mga panauhin ang lubos na kasiyahan sapagkat batid nila ang kahalagahan ng mga aral ng Diyos na itinuro sa kanila. Labis din silang nagpapasalamat sa tulong na ipinagkaloob ng INC.

Ipinaabot din nila ang kanilang pagpapasalamat kay INC Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo sa patuloy na pagmamalasakit sa kanilang kapakanan bagaman hindi pa sila kaanib sa Iglesia.

Courtesy: Adrian Tolentino

Related Post

This website uses cookies.