(Eagle News) — Halos nasa apat na libong mga panauhin ang dumalo sa isinagawang Lingap Pamamahayag na isinagawa sa wangal gymnasium La Trinidad, Benguet.
Ganap na alas tres ng hapon (3:00 PM) ay dagsa na ang libu-libong mga panauhin kasama ang mga kapatid na nag-akay sa kanila.
Ang ginawang pag-aaral ng mga Salita ng Diyos ay pinangasiwaan ni kapatid na Homer Tiomico, Tagapangasiwa ng distrito ng Benguet.
Pagkatapos nang naging pag-aaral ay masayang tinanggap naman ng mga maging panauhin ang mga ipinamahaging goodie bags. Aabot naman sa limang libong goodie goods ang naipamahagi.
Sa pangunguna naman ng mga miyembro ng SCAN International ay naging maayos ang mga daloy ng trapiko papasok sa naturang venue at naging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan habang isinasagawa ang Lingap Pamamahayag.
(Eagle News Benguet Bureau, Freddie Rulloda, Vell Watson)