STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) — Nagsagawa ng “Linis-Barangay” ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Barangay Sto Niño sa bayan ng Sto. Tomas lalawigan ng Pangasinan. Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at upang makaiwas sa pagkakasakit ang mga residente nito.
Nagtulong-tulong ang mga kaanib ng INC upang linisin ang nasabing barangay para imaiwasan ang pagkakasakit na maaring ibunga ng maruming paligid.
Dala ang kani-kanilang mga panlinis ay nilinis nila ang bawat sulok ng nasabing barangay pangunahin na ang mga kanal.
Itinapon din nila ang mga bagay na maaaring pamugaran ng lamok tulad ng lata, bote at gulong. Bata man o matanda ay sumama sa paglilinis.
Sinuportahan naman ang aktibidad na ito ng mga opisyal ng nasabing barangay.
(Eagle News Raff Marquez, Sto. Tomas, Pangasinan Correspondent)