MANILA, Philippines (Eagle News) – Ihahayag muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang panibagong hanay ng mga Narco Politician List maging ang ilang Metro Manila mayors at ilang mga pulis na protektor umano ng illegal na droga.
Sinabi ni DOLG Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno, na may 35 na pulis at 27 na politiko ang nakahanay sa listahan ni Pangulong Duterte. Dagdag pa ni Sueno, ang gobyerno aniya ay nasa proseso ng pagbuo ng matibay na kaso laban sa Metro Manila Mayors kaya’t kailangang i-validate at i-re-validate ang mga impormasyon at mga ebidensiyang gagamitin laban sa mga ito.
Tiyak aniyang maisasapubliko ang mga nasabing listahan sa sandaling makompleto ang validation ng mga ebidensiya, bagamat wala itong nabanggit na time-frame kaugnay nito.
Courtesy: Jet Hilario