Patok na destinasyon ngayong summer vacation ang bayan ng Lubuagan sa lalawigan ng Kalinga. Kung saan ang bayang ito ay tinaguriang “Little Baguio” dahil sa malamig na klima nito kahit sa panahon ng tag-init.
Isa pang atraksyon ng lugar na ito ay ang nakakarelax na tanawin kabilang na ang rice terraces, mga kabundukang kulay berde dahil sa malalagong mga punong-kahoy, wild orchids, ancestral house at ang General Emilio Aguinaldo Park.
Maaari ding pasyalan ang tinaguriang Weaver’s Village sa barangay Mabilong kung saan ginagawa ang iba’t-ibang native costumes ng Kalinga tulad ng bahag at tapis.
(Agila Probinsya Correspondent JB Sison, Eagle News Service DExter Magno, MRFaith Bonalos)