Livelihood Program inilunsad ng Roxas City Agriculture Office

ROXAS City, Capiz (Eagle News) -Inilunsad ng Roxas City Agriculture Office ang Livelihood Program para matulungan ang mga naninirahan sa Coastal Barangay ng Roxas City. Ipinaliwanag ni City Agriculturist Engeline Aguirre kay Mayor Alan Anghel Celino kung papaano magiging alternatibo sa kanilang ikinabubuhay ang vegetable seeds/crops gardening.

Nilalayon ng proyektong ito na maturuan ang mga residente ng mga coastal barangay ng Roxas City sa pagtatanim ng mga vegetable seeds/crops bilang karagdagan sa kanilang pinagkakakitaan.

Tuloy-tuloy ang mga programa ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas City para matulungan ang mga mamamayan nito gaya ng Sustainable Livelihood Program kung saan ay nabibigyan ng kapital ang mga residente para makapagsimula ng kanilang sariling negosyo.

Courtesy: Neal Flores

This website uses cookies.