(Eagle News) — Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tutulungan ang lahat ng mga residente ng Marawi City na nawalan ng trabaho dahil na rin sa nangyaring kaguluhan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, isinasaayos na ang mga polisiya upang matulungan ang ating mga kababayan sa Marawi na muling makabangon.
Magbibigay din aniya sila ng additional assistance sa mga naapektuhan ng kaguluhan upang magkaroon ng pagkakakitaan.
Magsasagawa aniya sila ng isang Emergency Employment Program.
Inaasahan naman ng ahensya na matulungan lahat ng kasalukuyan pa ring apektado ng nangyaring kaguluhan lalo na ang mga nanunuluyan pa rin sa mga evacuation center sa Marawi.
Binabalak din aniya nila na suwelduhan ang mga residenteng sasama para sa paglilinis ng buong Marawi.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang ang ahensya sa Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kung ano ang angkop na livelihood o pangkabuhayan sa mga kababayan sa Marawi.
(Eagle News Service, Earlo Bringas)
https://youtu.be/33CsyH7HXE0