Livelihood Project – “Kontra Kahirapan” isinagawa sa Cainta, Rizal

Cainta, Rizal – Naglunsad ng pagkilos laban sa kahirapan ang barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal sa pamamagitan ng mga “Livelihood Project” na pinangunahan ni Mayor Kit Nieto at ni kapitana Janice Tacsagon.

Ang proyektong ito ay may layuning makatulong lalo na sa mga ina ng tahanan at mga senior citizen na walang ibang pinagkakaabalahan upang sila rin ay magkaroon ng extra income.

Ito ay ang paggawa ng basahan, paghahabi ng bag na gamit ang mga straw ng soft drinks at paggawa ng detergent at dish-washing liquid soap.

Ang mga nagagawa nila ay ibinibenta nila sa murang halaga lamang at ang iba sa mga ito ay idini-display sa barangay hall para mai- promote ang kanilang mga produkto.

Ang mga nagsilahok sa proyektong ito, karamihan ay mga magulang, mga lolo at lola na residente ng Manta, Kasibulan Village.

Samantala, ipinagpasalamat din ng mga residente ang tuloy-tuloy na pagkakaroon ng libreng medical  at dental activities sa kanilang barangay dahil malaking tulong ito sa pagpapanatiling mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

 

This website uses cookies.