REAL, Quezon (Eagle News) — Nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng libreng seminar sa pag-aalaga ng red tilapia na maaaring ilagay sa mga tangke o maliliit na drum. Ito ay tulong na rin sa mga kababayan sa Real, Quezon bilang alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka at mangingisda. May pagkakataon aniya na kapag masama ang panahon, ang mga magsasaka ay nasa bahay lamang at ang mga mangingisda ay hindi maaring pumalaot upang mangisda.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North. Malaking pakinabang ang nasabing seminar para sa mga ina ng tahanan na nagnanais na magkaroon ng karagdagang kita na hindi na kailangang umalis pa sa kanilang bahay. Mag-aalaga na lamang silang ng mga isda na nasa tangke at drum na kung saan nasa kanilang mga bakuran lamang.
William Inte, Nice Gurango – EBC Correspondent, Real, Quezon