Livelihood training at seminar kaloob ng Golden Treasure Skills and Development Program para sa mga nais magnegosyo

Ang Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP) ay ilang taon na ring tumutulong sa mga Filipino sa pamamagitan ng livelihood training at seminar na magagamit bilang negosyo o kaya naman bilang ordinary skill sa araw-araw.

Isang organisasyon na nagbibigay ng mga livelihood trainings ang itinayo upang maging daan para makatulong na makapagbigay ng bagong kaalaman sa komunidad, ito ang Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP).

Ilan sa mga livelihood trainings nito ay ang mga sumusunod:

  • Organic herbal soap making
  • Cake baking and bread making
  • Laundry shop operation
  • Fashion jewelry and accessories

Bawat taon mayroong idinaragdag na mga livehood programs ang GTSDP para higit na makapagbigay ng kaalaman sa mga walang trabaho sa kasalukuyan.

Nakasama natin dito sa APRUB ang Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP) para alamin ang mga bagong programa na kanilang inihahandog sa mga Filipino.

Related Post

This website uses cookies.