ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Sa layuning maging accessible ang Ormoc City sa lahat ng mga turista, dayuhan o lokal man ay nakipag-pulong nitong Huwebes, July 21 si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Ormoc City na si Allan Meode upang pag-usapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng biyahe ang alinmang Airline Companies direktang papuntang Ormoc City.
Samantala, nagkaroon ng positibong resulta ang nasabing pagpupulong dahil simula sa Nobyembre ng taong ito ay magkakaroon ng biyahe ang Cebu Pacific (72 seater aircraft) na ang ruta ay Cebu to Ormoc & vice versa.
Idinagdag pa ni Meode na kung patuloy na lumago ang turismo sa lungsod ng Ormoc ay malaki ang posibilidad na sa susunod na taon ay magkakaroon na ng direktang flight mula Manila papuntang Ormoc City.
(Eagle News Kimberly Urboda – Ormoc City Correspondent)