TABUK, Kalinga (Eagle News) — Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), kasalukuyang isinasagawa sa Kalinga ang trade fair.
Ito ay isinasagawa sa harap ng St. Tonis College, Bulanao sa lungsod ng Tabuk.
Nagsimula ang nasabing aktibidad noong Pebrero 10 at magtatapos sa Pebrero 19.
Dito ay mabibili ang mga lokal na produkto ng Kalinga tulad ng mga furniture, Kalinga coffee, native costumes, unoy rice, black rice at iba pang mga kalinga delicacies.
Taun-taon ay kasama ang trade fair na ito bilang isa sa mga pangunahing aktibidad sa foundation anniversary celebration ng Kalinga.
Layunin nito na i-promote ang mga lokal na produkto ng Kalinga at matulungan ang mga maliliit na negosyante. Bagamat okupado ng mga stall ang isang bahagi ng kalsada subalit namamalagi namang maayos ang daloy ng trapiko.
Eagle News Service