Lockout policy, ipinatupad na para sa mga mambabatas sa Kamara na late

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulang ipatupad ng House of Representatives ang lockout policy para sa mga mambabatas na nahuhuli sa mga plenary sessions.

Sa pagsisimula ng sesyon ng mababang kapulungan noong Martes, July 25, isinara ang mga pintuan ng plenary hall para sa gagawing roll call.

Batay sa memorandum na inisyu ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas noong May 22, mamarkahan nang absent ang mga mambabatas na kailangan sa sesyon ngunit hindi nakasama sa roll call.

Layon ni Fariñas na magturo ng disiplina sa mga mambabatas.

 

This website uses cookies.