(Eagle News) – Nagkansela na ng klase ang buong Camarines Sur dahil sa epekto ng tail end of cold front at ang inaasahang pag-ulan na idudulot ng bagyong Urduja.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, suspendido na ang klase sa lahat ng antas ngayong araw, December 13, sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Bukod dito, nagsuspende na rin ng klase sa elementarya at pre-school ang lalawigan ng Albay.
Epektibo rin ang suspensyon ng klase sa mga pampubliko at pampribadong mga paaralan.
Nagbigay-babala rin ang lokal na pamahalaan ng Albay sa mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog na manatiling magmonitor sa posibilidad ng pagtaas ng tubig.
Ito ay dahil sa maghapong nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan.