SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Norte sa Pagdiriwang ng International Earth Day. Ang pagdiriwang ay may temang “Environmental and Climate Literacy.”
Bilang proyekto ng nasabing pagdiriwang ay nagsawaga sila ng tree planting nitong Biyernes, April 21. Sumama sa aktibidad ang mga empleyado ng Kapitolyo. Nakiisa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang mga representante mula sa National Government Offices. Umabot sa 500 seeedlings ang naitanim sa nasabing aktibidad.
Kasabay sa pagdiriwang ng International Earth Day ay isang rally naman ang binuo ng iba’t ibang samahan. Layunin ng nasabing rally na ipahayag ang kanilang pagtutol sa malaking minahan sa lalawigan.
Jabes Azarcon – EBC Correspondent, Surigao del Norte