(Eagle News) — Umakyat na sa limampu’t-pitong insidente na may kaugnayan sa nagdaang bakasyon ang naitala ng Philippine National Police (PNP), sa buong bansa sa ilalim ng kanilang Ligtas Summer Vacation.
Sa record ng Philippine National Police (PNP), mula April 7 hangang kaninang umaga nagkapagtala na sila ng 46 na insidente ng pagkalunod.
Karamihan dito naitala sa Region 4 A at Region 2 kung saan maraming resort.
Nakapagtala na rin ang PNP ng 7 insidente ng vehicular accident at 2 insidente ng paglubog ng bangka sa Region 3 At Region 4 A.
Tig-isang insidente ng nakawan at bangaan ng bangka ang naitala sa Region 4 A at Region 4 B.
Bukod dito, wala namang naitalang anumang untoward incident ang PNP partikular na ang may kaugnayan sa seguridad.
Dahil dito, itinuturing ng PNP na generally peaceful ang nagdaang bakasyon.