STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) – “Congratulations, you are Officially Amazing!”
Ito ang laman ng sulat na natanggap ng Munisipalidad ng Sto.Tomas, Pangasinan mula sa Guinness World Records matapos ang matagumpay na pagtatala nito ng Longest Line of Tables.
Nagtala ang nasabing bayan ng 6,000 na may .45 metrong haba ng pinagdugtong-dugtong na mesa noong Abril 2 taong kasalukuyan. Nasa 2,470 mesa ang nagamit upang mabuo ang ganoon kahabang linya.
Ang titulo ay dating hawak ng radioactive sa Alexandria, Egypt, na may sukat na mahigit 4, 300 metro ang haba.
Ito na ang ikalawang naitala ng Sto.Tomas na world record. Noong taong 2008 ay kinilala rin ng GWR ang nabanggit na bayan na nakapagtala ng Longest Corn Barbecue Grill.
Samantala, umaasa rin ang nasabing munisipalidad na masusungkit rin nito ang isa pang tinatangkang record na Longest Picnic Line na isinagawa rin noong Abril 2.
Raff Marquez – EBC Correspondent, Sto Tomas, Pangasinan