Noong 1994 unang maconceptualize ang daang masasabing short-cut patungo sa Nasugbu, Batangas. Ang dating apat na oras na biyahe kung babagtasin ang Tagaytay ay mahigit isang oras na lamang kung dadaan sa Ternate-Nasugbu Highway ng Southwest Luzon.
Makaraan ang apat na taong construction, Hulyo 1, 2014 ng matapos ang tinaguriang longest tunnel in the Philippines na tumagos sa Northern portion ng Mt. Pico de Loro.
Ang tinaguriang longest tunnel na ito ay may habang 300 m at vertical clearance na 4.85 m. Apat na kilometrong paved road, 1.4 km concrete road at apat na bagong tulay ang madadaanan patungo dito na sa ngayon ay isang atraksyon na rin para sa lalawigan ng Cavite. Magagandang tanawin ang iyong masisilayan habang bumibiyahe patungo sa magagandang beach ng Maragondon at Batangas tulad na lamang ng Patungan Cove, Hamillo Coast at marami pang iba.
Kaya naman patuloy ang pagdayo ng maraming bakasyunista at frequent visitors sa lugar.
(Agila Probinsya Cavite Correspondent, Jennifer Ortiz, Eagle News MRFaith Bonalos, Jericho Morales)