Nagkaroon ng komosyon sa nangyaring pag-aresto kay Ginoong Lowell Menorca sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Una nang tumanggi si Menorca na sumama sa mga arresting officer.
Ayon sa report ay sinampal pa ng asawa ni Lowell na si Jinky ang pulis na maghahain sana ng warrant of arrest.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Marawi City Court kaugnay ng kaniyang kasong libelo na isinampa ng Society Of Communicators and Networkers o SCAN.
Sa ngayon ay dinala na sa MPD Station 5 si Menorca. (Eagle News Service)