LPA at ITCZ, patuloy na nagpapaulan sa Visayas at Mindanao

Photo courtesy of www.pagasa.dost.gov.ph

(Eagle News) — Patuloy na binabantayan ng weather state bureau ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao na inaasahang magiging bagong bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang LPA sa layong 390 kilometers silangan ng Surigao City sa Surigao Del Norte.

Dahil sa naturang sama ng panahon at umiiral ding Intertropical Convergence Zone (ITCZ) makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang Western Visayas at Caraga Region.A

Pinag-iingat naman ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, pinapayuhan ang publiko at ang mga nasa tanggapan ng gobyerno partikular ang Disaster Risk Reduction and Management Offices na manatiling nakaantabay sa mga update tungkol sa sama ng panahon.

Related Post

This website uses cookies.