(Eagle News) — Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servics Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na magdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region at eastern Visayas.
Huli itong namataan sa layong 100 kilometro sa silangang bahagi ng Daet, Camarines Norte.
Dahil dito, nagbabala naman ang PAGASA na ang nasabing LPA ay maaaring magdulot ng pagbaha.
Samantala, dahil sa habagat, uulanin din ang ilang bahagi ng Ilocos, Cordillera Regions, Islands of Batanes at Babuyan Islands habang makakaranas din ng localized thunderstorms ang bahagi ng Metro Manila.