MANILA, Philippines (Eagle News) — Posibleng pumasok na ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area o LPA na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa ngayon at batay sa forecast track hindi rin magla-landfall sa kahit anong bahagi ng kalupaan.
Sakaling maging ganap na tropical depression, tatawagin itong ‘Caloy.’
Samantala patuloy ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan sa Luzon habang nakakaapekto pa rin ang tail-end of a cold front sa eastern section ng Eastern Visayas.
Dahil sa tail-end of a cold front ay magkararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao at Caraga Administrative Region (Caraga).