SAN MIGUEL, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagdulot ng mga pagbaha sa San Miguel, Surigao del Sur ang magdamag na pag-ulan sanhi ng Low Pressure Area (LPA) mula pa noong Huwebes, Marso 9.
Isa ang San Miguel sa mga bayan na kaagad binabaha kapag dumarating ang mga ganitong panahon. Karamihan sa mga barangay nito ay hindi na nadadaanan ng mga sasakyan dahil sa pag-apaw ng tubig sa kalsada.
Bagamat nasanay na ang mga residente sa ganitong mga pagbaha ay nanawagan pa rin ang Lokal na Pamahalaan na gawin pa rin ang kaukulang pag-iingat. Lalo na aniya kung magpapatuloy pa ang pagtaas ng tubig bunga ng masamang panahon na nararanasan sa kasalukuyan.
Nakaalerto naman ang Municipal Government sa mga rescue at urgent evacuation maging ang pamamahagi ng reliefs kung sakaling lalala pa ang nasabing pagbaha.
Dennis Revelo – EBC Correspondent,