(Eagle News) — Makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley region at Aurora ngayong araw, Enero 15 dahil sa amihan.
Habang bahagyang maulap hanggang sa mauilap na kalangitan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabi pang bahagi ng Luzon, sa palawan at sa buong Visayas.
Generally fair weather naman ang mararanasan sa mindanao at makararanas lamang ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Samantala ang low pressure area na binabantayan ng pagasa sa labas ng bansa ay huling namataan sa 2,885 kilometers east southeast ng Mindanao.
Dahil nasa gitna ng karagatan, makapagpapalakas pa ang naturang LPA at maaaring maging isang ganap na tropical depression sa sandaling pumasok sa bansa sa Biyernes, Enero 18.
Papangalanan itong “Amang” pagpasok ng bansa na magiging unang bagyo para sa taong 2019.
https://youtu.be/0rlwVEpaxiE