Nabuo na bilang bagyo ang low pressure area sa Borongan City at ito ang unang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2016.
Ang tropical depression na pinangalanang “Ambo” ay nasa 182km silangan ng Virac, Catanduanes. Ito ay may pinakamalakas na bugso ng hangin na 45kph malapit sa gitna at inaasahang kikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19kph.
Public storm signal no.1
as of 11:30am
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Northern Quezon including Polillo Islands, Aurora, Quirino
Source: PAGASA