LPA , nasa Ilocos: ITCZ nakakaapekto sa Mindanao

Patuloy na magdadala ng mga pag- ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong “Ambo.”

Ayon sa PAGASA, nakatawid na ang l-p-a sa kalupaan ng hilagang Luzon ngunit ang ulap na nahahatak nito ay nananatili sa kanlurang bahagi ng northern at central Luzon. Pati na sa Palawan.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 148 kilometro sa kanluran ng Vigan City Sa Ilocos Sur.

Inaasahang mananatili pa rin ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang ngayong gabi.

Asahan naman ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Central at Southern Luzon, pati na sa ilang bahagi ng Visayas.

https://youtu.be/sBRQpA2zsDg