(Eagle News) — Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Cagayan.
Ayon sa PAGASA , huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,030 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Hindi inaasahan ng PAGASA na magiging isang bagong bagyo ang LPA at sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Ngayong araw, maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ligtas ding makakapalaot ang mga mangingisda sa anumang baybaying dagat ng Pilipinas.