(Eagle News) — Rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG ang sasalubong sa mga consumer ngayong weekend.
Nag-announce na ng rollback ang tatlong kumpanya ng langis kabilang ang Petron, Solane
Eastern Petroleum at Liquigaz na magpapatupad sila ng LPG price rollback.
Aabot sa mahigit P12 ang bawas presyo sa kada tangke ng LPG, epektibo mamayang alas dose uno ng hatinggabi.
Sa abiso ng Petron, P1.20 kada litro ang ibabawas sa presyo ng kanilang gasul na katumbas ng mahigit P13 na rollback sa kada 11-kilogram na tangke.
Ang XTEND autoLPG naman ng Petron ay may bawas na 67 centavos bawat litro.
P1.12 kada litro o katumbas ng P12.32 sa kada 11- kilogram na tangke ang ibabawas ng Solane.
Sa Liquigaz naman, P14.03 sa kada 11-kilong tangke ang rollback.
P1.10 kada kilo naman ang bawas ng Eastern Petroleum sa presyo ng kanilang LPG.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang bawas presyo ay bunsod ng paggalaw sa LPG contract prices para sa buwan ng Agosto sa pandaigdigang merkado.
Posible namang maragdagan pa ang mga kumpanya na mag-aanunsyo ng bawas-presyo sa kanilang LPG.