(Eagle News) — Ipinagpaliban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon sa petisyon ng limang transport group na dagdagan ng dalawang piso ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep.
Ito ay matapos walang humarap na kinatawan ng commuters group sa naganap na pagdinig kamakailan.
Binigyan naman ng pagkakataon ng LTFRB ang mga petitioner sa Oktubre 24 na ipaliwanag ang kanilang panig sa hiniling na dagdag-pasahe.
Paliwanag naman ng mga transport group, bukod sa pagtaas sa halaga ng diesel at piyesa ng mga sasakyan ay kailangan din nila ang fare hike para matugunan ang gastusin sa Jeepney Modernization Program.
https://youtu.be/qdVothdovYs