LTFRB, nakikipag ugnayan sa taxi operators para ipaalala ang Oplan-Suplado

(Eagle News) — Maglalagay na ng mga complaint form ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mall hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Bahagi ito nang inilunsad na oplan-isnabero ng LTFRB.

Batay sa tala ng LTFRB,  ang pinaka maraming reklamo na kanilang natatanggap sa pamamagitan ng hotline ng ahensya ay tungkol sa mga pasaway at isnaberong mga taxi driver.

Ayon naman kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakipag usap na rin sila sa mga taxi operator para ipa-alala ang Oplan-isnabero.

Maaaring maharap sa multang a-abot sa limang libong piso sa unang paglabag, sampung libo sa ikalawang paglabag at ang pinakamabigat ay maari pang makansela ang prangkisa.

Related Post

This website uses cookies.