LTFRB, sinuspende ang franchise para sa TNVS

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinuspende ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag-bibigay ng franchise para sa Transport Network Vehicle Services gaya ng Grab, Uber at U-Hop.

Batay sa order na ni-lagdaan ni Chairman Martin Delgra, ipinasya ng lupon na itigil muna ang pagbibigay ng franchise para pag-aral ang mga issue at polisya ng TNVS category.

Inatasan din ng lupon lahat ng regional officers na huwag tumanggap ng TNVS application na may panukalang ruta na makapag-operate at maka-pasok sa Metro Manila.

Ang TNVS ay isang (1) kategorya sa transportation kung saan nag-aalok ang transportation network companies ng serbisyo sa pamamagitan ng digital application.