TAYTAY, Palawan (Eagle News) — Dahil sa tumataas na porsyento ng mga kaso ng pagmamaneho nang walang lisensya at expired registration ng mga sasakyan sa Palawan, nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng mobile registration simula nitong Lunes.
Ito ay may layuning mailapit sa bawat bayan at mamamayan ang ahensya upang hindi na maging dahilan pa ang kakulangan oras upang mai-parehistro ang kanilang mga lisensya at sasakyan.
Dinagsa ng mga kababayang Taytayanos na motorista ang unang araw ng LTO mobile registration na idinaos sa lobby ng Legislative Building sa bayan ng Taytay.
Ang programang ito ay sponsored ng local government unit na pinamumunuan ni Hon. Mayor Romy L. Salvame at Vice Mayor Christian V. Rodriguez.
Ito matatapos naman sa Miyerkules, Mayo 17.
(Eagle News Correspondents Rox Montallana and Cristine Guimayen)