LTOP, hindi lalahok sa dalawang araw na tigil-pasada sa susunod na linggo

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Tiwala ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na napapanahon na para ipatupad ang modernisasyon sa sektor ng mass transit sa Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni LTOP President Orlando Marquez na hindi sila lalahok sa ikinasang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa susunod na linggo.

Ayon kay Marquez, hindi nauunawaang mabuti ni PISTON President George San Mateo ang kanilang ipinaglalaban dahil hindi naman siya lehitimong operator ng jeepney at wala siyang karanasan sa pamamasada nito.

Dapat aniyang nakikipagsabayan na ang Pilipinas sa ibang mga bansa na gumagamit ng makabagong modelo ng mga makina tulad ng Euro 4 at electric vehicles dahil bukod sa makatitipid na ang mga tsuper, makatutulong din ang mga ito sa kalikasan. (Eagle News Service)

 

Related Post

This website uses cookies.