Lucban Bridge bukas na sa publiko

ABULUG, Cagayan (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang bagong tulay sa Lucban, Abulug, Cagayan. Tinatayang nasa 825 meters ang haba nito. Ang dating tulay na naitayo noong 1960’s ay minarapat ng DPWH at ng lokal na Pamahalaan na palitan na. Ang lumang tulay ay hindi na rin daw ligtas daanan ng mga motorista.

Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso ng 2nd District ng Cagayan. Ang tulay ay binabaybay ng Manila Road na kung saan nagdurogtong sa Region 1, Region 2 at ng mga lalawigan sa Cordillera Administrative Region. Malaking tulong din ito para sa ekonomiya, agrikultura, industriya at turismo sa mga nasabing rehiyon.

Dexter Daligcon at Adonis Raspado – EBC Correspondent,Cagayan

Related Post

This website uses cookies.