LAAK, Compostela Valley (Eagle News) – Agad na binawian ng buhay ang isang lider ng mga lumad sa Laak, Compostela Valley nang tambangan ito ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang patungo ito sa kaniyang sinasakang lupa tanghali nitong Huwebes, Mayo 31.
Kinilala ang biktima na si Laurelio Tilacan, 43, residente ng Brgy. Bollukan. Nakaligtas naman ang anak nito na kasama niya papunta sa pagsasaka.
Ayon kay Lt. Gilbert Ombos ng 60th infantry Battalion, matataas na kalibre ng baril ang ginamit sa pagpatay ng hindi pa matukoy na bilang ng mga NPA.
Maaari daw na ang nasa likod ng pamamaslang ay ang Pulang Bagani Command 4 at SECOM 3 na pinamumunuan ng rebeldeng binansagang Jiger.
Humihingi ngayon ng katarungan ang pamilya ng biktima maging ang mga indigenous people sa nasabing bayan. Chris Cruz