(Eagle News) — Nararamdaman na ng mga retailer ang lumalakas na kompetisyon sa online shopping na dati’y hindi pinagtutuunan ng pansin.
Aminado si Samie Lim, Chairman Emeritus ng Philippine Retailers Association na marami sa kanilang miyembro ang nagsabing nawawalan na sila ng customer dahil nalilipat na ang atensyon ng mga consumer sa online shopping.
Anila, mas kumbinyente at iwas-traffic ang online shopping.
Ayon kay Lim, talagang apektado sila sa patuloy na paglakas nito dahil nasa limang porsiento (5%) na ng retail market ang napupunta sa online shopping.
Kaya naman isa sa ginagawa ngayon ng mga retailer ay maglunsad ng mga promo at season sales.