Maagang pagboto ng mga nakatatanda at PWDs, isinulong

Isinusulong sa kongreso ang Early voting o maagang pagboto para sa mga Senior Citizen at Persons With Disabilities (PWDs) sa panahon ng eleksyon Kaugnay nito, hinimok ni Cebu Representative Gabriel Luis Quisumbing ang kaniyang mga kapwa kongresista na pagtibayin ang panukala para sa 17th Congress. Nakapaloob din sa proposal bill ni Quisumbing na atasan ang Comelec na magkaroon ng record para sa Registered voters na Senior citizens at PWDs para sa kanilang kakailanganin sa panahon ng pagboto.