Pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar hindi dahil sa maanghang na pananalita ng Pangulo, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
Si Vic Somintac sa detalye:
Niliwanag ng Malacañang ang tunay na dahilan ng paghina ng piso kontra dolyar.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na patuloy na lumalakas ang US dollars dahil sa napipintong pagtaas ng interest rate ng federal reserve ng Amerika.
Ayon kay Diokno, Ito ang dahilan kaya bumabalik sa U.S. ngayon ang tinatawag na hot money mula sa ibang bansa.