(Eagle News) — Ipauubaya na ng Blue Ribbon Committee sa Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang turnover ng mababawing pera mula sa ninakaw na $81 million mula sa bangko ng Bangladesh.
Ito ang inihayag ni Senator Teofisto “TG” Guingona, chairman ng Blue Ribbon Committee matapos ang resulta ng imbestigasyon sa money laundering scam.
Iginiit ni Guingona na dahil sa senate hearing, nangako ang negosyanteng si Kim Wong na isasauli nito ang $4.63 million na napunta sa kanya habang ibabalik din niya ang P450 million na ibinayad ni Gao Shu Hua sa kanya sa kawalan ng kabatirang mula sa ninakaw na pera sa Bangladesh Bank ang naturang halaga.
Ayon naman kay Guingona, nasa Korte na aniya ang pagpapasiya kung aabsuweltuhin sa kaso ang mga magsasauli ng pera.