Mabilisang canvassing sa pagka presidente at VP, target ng NBOC

MANILA, Philippines — Magsisimula  na ang canvassing ng mga Certificate of Canvass (COC) sa pamamagitan ng binuong National Board Of Canvassers (NBOC) mula sa senado at kamara.

Nanindigan ang mga mambabatas na magsisilbing NBOC na hindi nila puwedeng unahin ang proklamasyon kay Incoming President Rodrigo Duterte kasunod ng apela ni Sen. Bongbong Marcos na umano’y may mga discrepancies sa halalan.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, ang mandato lamang ng NBOC ay madetermina ang mga nanalo sa pagka-presidente at bise presidente at hindi nila sakop ang reklamo ni Marcos.

Nangako naman si Gonzales na bibilisan nila ang canvassing para maiproklama ang mga nanalo bago mag-Hunyo 30. (Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.