Madie Maute, napatay na rin ng mga militar – AFP

(Eagle News) — Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patay na ang isa pa sa mga lider ng Maute Terror Group na si Madie Maute.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez, napatay si Maute sa Lake Lanao matapos nitong magtangkang tumakas.

Si Maute ay kapatid rin nina Abdullah at Omar Maute na namumuno sa mga teroristang grupo.

Matatandaang sampung miyembro ng teroristang grupo ang napatay sa engkwentro kamakailan sa Lake Lanao, matapos tangkain ng mga ito na pumasok sa main battle ground.

Ginagalawan ng Maute-ISIS sa Marawi City lumiliit na ayon sa AFP

Samantala, lumiit na umano ng todo ang mundo ng mga teroristang Maute sa Marawi City.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na 500 square meters na lamang ng Marawi ang okupado ngayon ng mga terorista.

Nasa loob aniya nito ang mga lider ng Maute-ISIS na si Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Ayon kay Año, habang lumiliit ang lugar ng mga kalaban inaasahan na nilang mas titindi rin ang sagupaan sa huling bugso ng labanan lalo’t mas magiging malapitan pa ang putukan.

Related Post

This website uses cookies.