(Eagle News) — Patuloy na makakaapekto ang habagat sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Mindoro at northern Palawan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa mga nabanggit na lugar.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ay magiging mainit at maalinsangan na ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Maalisangan din ang panahon sa kabuuan ng Visayas at Mindanao na makararanas lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Mayroong mga cloud clusters na namataan ang pagasa sa labas ng bansa ngunit wala pang nakikitang posibilidad na magkakaroon ng bagong bagyo.