Eagle News — Binawi ng Magat ang posibilidad ng pagbaha sa mga mababang lugar sa Isabela at Cagayan matapos bayuhin ng malakas na Bagyong Lawin ang dalawang lalawigan sa buong magdamag.
Ayon sa National Irrigation Authority Magat River Integration and Irrigation System, nasa below overflow level ang Magat Dam bago magpakawala ng malaking volume ng tubig.
Nasa 187.47meters na ang spilliing level na ang Magat Dam, bahagyang malayo na sa dating spilling level193 meters.
Sinasabi pa, ng NIAMRIIS, na inaasahan na nila ang pagdating pa ng malaking daloy ng tubig mula sa mga bundok ng Quirino province, gayunman wala aniya dapat ipagalala ang publiko dahil sa gagawing kontrolado ang pagpapakawala ng tubig, kumpara sa bagyong Karen mas kakaunti ang ibinuhos ng ulan ng Bagyo Lawin kaya hindi gaano katas ang rainfall na naitala sa Dam.