DAVAO CITY (Eagle News) – Libu-libong magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño phenomenon ang nakatanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Davao City. Ayon kay Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) Head Maria Luisa T. Bermudo, nasa 37,000 na magsasaka at 927 mangingisda ang apektado ng tagtuyot na tumama sa lungsod sa taong ito.
Ang nasabing pamamahagi ng tulong na bigas at mga de-lata ay nagsimula kalagitnaan ng Nobyembre. Matatandaan na napakalaking pinsala na dulot ng tagtuyot ang sumira sa sakahan ng Calinan, Tugbok, Marilog, Paquibato at Toril nitong taon sa Davao.
Ang City Government ay namahagi ng 981 sako ng bigas sa Tapak at 1,300 naman sa Colosas, Paquibato District kamakailan lamang. Ang tulong ay naaprobahan ng City Government sa pamamagitan ng resolution na nagdeklara sa mga apektadong lugar sa ilalim ng ‘state of calamity’ dahil sa tagtuyot.
Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City