Mahigit 1,000 residente, nananatili pa rin sa mga evacuation center sa Marawi

(Eagle News) — Aabot sa mahigit isang-libong katao ang pansamantalang nanunuluyan sa isang evacuation center sa bayan ng Saguiran, matapos lumikas mula sa Marawi City kung saan nagpapatuloy ang bakbakan sa pamamagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.

Sampung kilometro lamang ang layo nito mula sa Marawi.

Ito ang pinakamalapit sa mismong battle zone.

Karamihan sa mga ito nilisan ang kanilang mga tahanan nang magsimula ang kaguluhan.

Bagaman nilisan na ang lugar, ramdam pa rin ng mga residente ang pangamba at takot.

Sa tala hindi bababa sa 40 katao na ang namatay dahil sa iba’t-ibang uri ng sakit sa evacuation center dala na rin ng kakulangan ng medical supplies.

Ang krisis sa Marawi ang nagtulak sa mga residente para lisanin ang kanilang mga tahanan.

Nasa 87 evacuation centers naman ang itinayo para kupkupin ang mga ito.

https://youtu.be/FDiVgQeTNvY