(Eagle News) — Aabot sa mahigit isang daan at tatlumpung sundalo mula sa 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) ang muling ipinadala sa Nueva Ecija para tumulong mapigilan ang pagkalat ng bird flu.
Agad na sumailalim ang mga sundalo sa training sa pangangasiwa ng Department of Agriculture para tumulong na macontain ang outbreak.
Idineploy ang mga sundalo matapos magrequest ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng assistance matapos makumpirma ang bagong insidente ng bird flu outbreak sa bayan ng San Isidro.
Aabot na sa mahigit 27,000 manok ang napatay sa tulong ng mga sundalo sa loob ng dalawang araw na nagresulta upang pababain ang populasyon ng mga manok sa mga poultry farms sa loob ng 1-kilometer radius quarantine zone.
Samantala, bukod sa pagpatay ng mga manok, nagsasagawa rin ang Provincial Health Office (PHO) ng Nueva Ecija ng flu vaccinations at individual health screening para malaman ang kundisyon ng mga residente ang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.